Alamat ng Kama
Alamat ng Kama Aliya Paulette R. Zapata Noong unang panahon, sa isang bayan ay may mag asawang nagngangalang Danilo at Nalia Juarez ang namumuhay nang simple. Ang bahay nila ay gawa lamang sa kawayan na may dayami at ang hinihigaan nila ay isang banig. Ang tanging hiling na lamang nila ay ang magkaroon ng isang anak dahil hindi pa rin sila nabibiyayaan nito kahit dalawang taon na silang mag-asawa. Kaya't nang makarinig ng balita na mayroon daw isang diwata na nakapagbibigay ng anak ay agad nila itong sinunggaban kahit hindi sigurado kung magpapakita ba ito sa kanila. Pumunta sila sa isang nayon sa karatig-pook upang lumapit sa nasabing diwata. Naghintay ang mag-asawa sa nayon na iyon; naniniwala na magpapakita sa kanila ang diwata. Hindi nga sila nabigo dahil nagpakita ito sa kanila. "Ano ang nais nyo at bakit kayo naparito?" tanong ng diwata. “Parang awa nyo na po," pagmamakaawa ni Nalia. "Kahit isang anak lamang ay magiging masaya na kami.” “Oo nga po. Aalaga...