Alamat ng Kama
Alamat ng Kama
Aliya Paulette R. Zapata
Pumunta sila sa isang nayon sa karatig-pook upang lumapit sa nasabing diwata. Naghintay ang mag-asawa sa nayon na iyon; naniniwala na magpapakita sa kanila ang diwata. Hindi nga sila nabigo dahil nagpakita ito sa kanila.
"Ano ang nais nyo at bakit kayo naparito?" tanong ng diwata.
“Parang awa nyo na po," pagmamakaawa ni Nalia. "Kahit isang anak lamang ay magiging masaya na kami.”
“Oo nga po. Aalagaan namin ng mabuti ang aming anak,” dagdag naman ni Danilo.
Nagda-dalawang isip pa ang diwata kaya tinatanong niya muna ang mga ito.
"Bakit nyo ba nais magkaroon ng isang supling?" tanong sa kanila ng diwata.
Nagkatinginan ang mag-asawa bago sinagot ang tanong na yaon.
"Gusto po namin maranasan makapag-alaga ng isang bata at bigyan ito ng kalinga, mahalin ito nang buo katulad ng pagmamahalan namin. Ituturing namin ito bilang isang kayamanan." Ang makahulugang sagot ni Nalia na tinanguan ni Danilo.
“Sige, ako'y pumapayag. Sa loob ng dalawang buwan ay bibigyan ko kayo ng supling sa iyong tiyan, Nalia. Ngunit ‘pag ito ay naging suwail, kukuhanin ko ito sa inyo,” sagot ng diwata.
Nagulat ang mag asawa dahil pumayag ang diwata. Sa sobrang saya ay hindi na nila napansin ang huling sinabi nito. Paulit-ulit silang nagpasalamat dahil ganoon na lamang ang saya nila dahil makakaroon na sila ng anak. Hanggang pagdating ng mag asawa sa bahay ay hindi magkamayaw ang kanilang ngiti sa sobrang saya.
Lumipas ang dalawang buwan at tunay nga na nabuntis si Nalia. Tuwang-tuwa ang mag asawa dahil sa wakas ay mag kakaroon na sila ng supling. Paglipas ng siyam na buwan ay nanganak si Nalia at pinangalanan itong Kamalia Juarez. Pinalaki nila ang anak nila ng mag kasama. Simula noon ay palagi nang nakatawa ang mag asawa.
Nakalipas na ang labing isang taon ngunit wala silang ibang ginawa kung hindi ang mag saya dahil may anak na sila. Napansin nila na habang lumalaki ang anak ay nagiging palasagot ito.
“Anak!” sigaw ni Nalia mula sa kusina.
“Bakit?” tugon ng anak nila na si Kamalia.
“Makikikuha nga noong kawayan sa labas!”
“Ikaw na inay! Nakahiga pa ho ako rito,” tinatamad na sagot ni Kamalia sa ina.
Napabuntong hininga na lamang si Nalia dahil alam nito na hindi susunod ang anak. Nasanay na sila dahil ang anak nila ay may katamaran talaga at hindi gumagamit ng po at opo kahit tinuturuan naman nila ito.
“Ano ba ‘yan nay! Sobrang tigas na ng ating banig. Hindi na ako makatulog ng ayos,” reklamo ni Kamalia na nagpakunot sa noo ng kanyang ina.
Lumapit si Nalia kay Kamalia.
“Anak, wala pa tayong perang pambili dahil inuuna natin ang mga pagkain para makakain tayo. Nagtatrabaho ang tatay mo para doon.”
“Bakit ba kasi hindi kana lang din mag trabaho,” singhal ni Kamalia.
“Anak, alam mo naman na—“
“Nay! Iyong mga kalaro ko ay ang gaganda ng tirahan! Halos wala na silang problema roon dahil nagtatrabaho parehas ang magulang nila at isa pa, hindi naman kita kailangan sa bahay!”
Hindi na napigilan ni Nalia ang kabastusan ng anak kaya’t sinigawan niya ito.
“Huwag kang gumaya sa iba dahil hindi tayo kasing yaman nila! Mahal kita at gusto kitang alagaan kaya nandito ako sa bahay. Hindi mo alam na tuwing tulog ka riyan sa banig ay naglalabada ako sa kapitbahay!” Napatakip si Nalia sa bibig niya matapos masabi ang mga bagay na iyon.
Dali dali siyang umalis sa harap ng anak na walang pakealam sa kanyang mga sinabi. Pansamantala siyang pumunta sa punuan para humagulhol. Halos dalwang oras siyang naroon at mag-gagabi at natagpuaan niya si Danilo habang naglalakad pauwi.
“Oh Nalia, mahal, saan ka galing?” nagtatakang tanong ni Danilo.
“Ah riyan lamang sa gubat. Maghahanap sana ako ng kawayan,” pagsisinungaling ni Nalia.
Tumango si Danilo at sabay na silang umuwi.
“Anak! Andito na si tatay!” Sigaw ni Danilo mula sa labas ng bahay ngunit walang tumutugon.
Nagtaka ang mag asawa at mabilis na pumasok sa kanilang bahay. Dali-dali silang naghanap; si Danilo ay sa kusina at si Nalia naman sa salas, pati na rin sa bakuran. Nagkasalubong ang mag asawa sa salas habang nag hahanap. Ang tangi na lamang nilang hindi natitignan ay ang kwarto nila, kaya’t sabay silang tumakbo papunta roon.
Ngunit pagkahawi ng kurtina ay wala silang nakitang Kamalia, sa halip, isang bagay na gawa sa kawayan. Nagtaka ang mag asawa kaya’t sinuri nila ito. Sa 'di inaasahang pangyayari ay may nakapa si Danilo na nakaukit sa bagay na iyon.
Tinignan nila ito at nagulat nang makita na nakalagay ang salitang “kama”. Nagkatinginan ang mag-asawa nang mayroon silang naisip na katunog nito. Napaiyak sila dahil naalala nila ang sinabi ng diwata noon sa isang nayon na kapag naging suwail ang anak nila ay kukuhanin ito ng diwata.
Simula noon, ang bagay na iyon ay ginamit para higaan ng mga gustong matulog o magpahinga. Tinawag itong “kama” na hango sa salita o pangalang Kamalia.
👌
ReplyDeleteNice naka perfect ako salamat sobra
ReplyDeleteMe too
ReplyDelete